Bilang pagtugon sa pangangailangang pamproteksyon ng mga tao ay namigay ng mga face shield at face mask ang Sangguniang Kabataan ng Barangay 627 para sa 400 na pamilya ng barangay.

Ang bawat paper bag ay naglalaman ng isang box ng face masks at dalawang pirasong face shield. Sa pangunguna ni SK Ch. Denise Aeriel G. Javate at ng buong SK Council ng Brgy. 627 ay ipinamahagi ito sa bawat pamilya ng barangay upang makatulong na mabawasan ang kaso ng COVID-19 sa barangay, at sa Lungsod ng Maynila. —JKG

(Mga kuha mula kay G. Alex Layos II/Manila Youth Development and Welfare Bureau)