REACH-OUT OPS: Tuloy-tuloy ang pagkilos ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) upang matulungan ang mga kababayan nating nangangailangan at walang maayos na tirahan ngayong pandemya.

Sa tulong ni Barangay Chairman Bong Reyes, tatlong senior citizens ang natulungan ng MDSW sa operasyon na inilunsad nila sa Barangay 491 kagabi, ika-22 ng Agosto.

Samantala, nananatili ngayon sa iba’t ibang pasilidad ng Pamahalaang Lungsod ang mga indibidwal nasa pangangalaga na ng MDSW. —SNO