Nais ipaalala ng Department of Public Services (DPS) sa publiko na dapat ihiwalay at ilagay sa ibang lalagyan ang mga gamit na mask, gloves at tissue. Kung maaari ay ilagay ito sa dilaw na plastic bag na may label na ‘Healthcare Waste’.

Ngayong General Community Quarantine, mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan ang pagsusuot ng face shields tuwing sasakay sa mga pampublikong transportasyon. Karamihan sa mga face shields ay itinuturing na ‘reusable’. Alamin kung ito ay napapabilang sa #2, #4 o #5 na uri ng materyales.

Siguruhin ding madi-disinfect ito nang maayos gamit at alcohol o bleach solution bago gamitin muli. —KDS

(Pubmat by Carlo Asoro/MPIO)