TINGNAN: Bilang bahagi ng pagsasa-ayos ng Lagusnilad Underpass, nagsagawa ng malawakang operation ang mga kawani ng Department of Engineering and Public Works ngayong Martes, Agosto 18.

Sabay-sabay na kumilos ang buong pwersa ng DEPW sa pagsasagawa ng declogging, flushing, at cleaning operations sa loob at sa paligid ng nasabing underpass.

Ito ay upang masiguradong malinis at maiiwasan ang pagbaha sa paligid ng underpass bago ito muling magbukas sa publiko ngayong buwan.

Inaasahang mas makabago, mas maliwanag, at mas tourist friendly ang Lagusnilad Underpass sa oras na ito’y buksang muli sa publiko.

Maglalagay rin ang pamahalaang lungsod ng 24 CCTV cameras upang masigurado ang seguridad ng mga Batang Maynila sa lahat ng oras — FMO