TINGNAN: Umabot sa 309 ang naaresto ng Manila Police District (MPD) dahil sa paglabag sa face mask ordinance ng lungsod pamula Hulyo 10 hanggang Hulyo 11.

Ayon sa datos ng MPD, 98 ay nahuli ng kapulisan galing sa Station 11; habang 87 naman ang nahuli ng Station 3 at 55 sa Station 2.

Samantala, ang natitirang 240 na indibidwal na naaresto ay galing sa iba’t ibang presinto gaya ng Station 1, 4, 6, 7, 8, at 10.

Wala namang nahuli ang mga kapulisan sa Station 5 at 9.

Sa ilalim ng Ordinance No. 8627, lahat ay dapat magsuot ng face mask sa lahat ng oras bilang proteksyon sa sakit na COVID19.

Ang sino mang lumabag dito ay maaari magbayad ng P1,000 sa unang opensa, P2,000 sa pangalawa, at P5,000 sa pangatlo.

Maaari ring makulong ang kung sino mang mahuli sa pangatlong beses at sa mga susunod na pagkakataon. — FMO

(Pubmat by Charlene Santiago/MPIO)