Patuloy ang pagpaalala ng Pamahalaang Lungsod at ng Department of Public Services (DPS) sa lahat ng mga Manileño na maging responsable sa pagsisilid at pagtatapon ng mga basura.

Bilang bahagi ng adhikain tungo sa mas malinis na lungsod, hinihikayat ng DPS ang lahat na makilahok sa inisyatibong ‘Plastic-Free July’, kung saan isinusulong ang paggamit ng mga alternatibong bagay na higit na makatutulong sa ating kalikasan.

Maaaring simulan ang isang ‘plastic-free’ lifestyle sa simpleng pagdadala ng sariling eco bag tuwing mamimili at pagdadala ng sariling baunan, inuman at kubyertos. —KDS

(Pubmat by Carlo Asoro/MPIO)