Araw man o gabi ay tuloy tuloy ang pagsasaaayos ng Pamahalaang Lungsod sa mga center island at liwasan sa Maynila.

Diniligan ng Parks Development Office – Manila (PDO) ang mga center island sa kahabaan ng Taft Avenue gamit ang isang water tanker. Nilinis din ng PDO ang Plaza Calderon sa Sta. Ana at Plaza Morga sa Tondo.

“Motivated po ang mga empleyado ng PDO na magtrabaho dahil nakikita po nila na mula pa noong unang araw ay prayoridad na ni Mayor Isko Moreno ang pagpapanatili ng kalinisan ng buong Maynila,” ani PDO Director Giovanni Evangelista. –PTG