NEWS ALERT: Drive-thru COVID-19 testing center sa tapat ng Andres Bonifacio Monument ilulunsad ngayong araw ng Manila City government, ayon kay Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Sisimulan ito ng Manila Health Department (MHD) mamayang 10:00 am at magtatapos nang 5:00 pm.

Ayon kay Domagoso, kukuha ang MHD ng mga blood samples ng mga dadaan sa drive-thru at ipoproseso ito sa mga bagong biling COVID-19 serology testing machines.

Ang apat na makina mula sa American healthcare firm na Abbott ay may kakayanang makapagproseso ng 89,600 tests sa isang buwan.

Parehong Manila City resident at non-Manila City resident ang maaaring dumaan sa drive-thru testing center, ani Domagoso.

Ang mga hindi walang sasakyan o ‘di makadadaan sa drive-thru testing center ay ire-refer sa mga pasilidad na ito:

-Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center
-Ospital ng Sampaloc
-Ospital ng Maynila
-Any health center near their residence

“We will utilize the recently-purchased machines. These have accuracy of 99.6% for specificity and 100% for sensitivity. This is part of our continuing massive testing, including every driving Manileño who will pass by Lawton,” sinabi ni Domagoso. —JNL