RESCUE OPS: Dalawampu katao ang na-rescue ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa isinagawang joint reach out operation ng MDSW Disaster Management Team at MDSW Rescue Team.

Sa direktiba ni MDSW Director Re Fugoso, inikot ng dalawang grupo ang kahabaan ng Padre Burgos Avenue, Anda Circle, Roxas Boulevard, Quirino, at San Marcelino.

Kabilang sa kanilang mga narescue ang tatlong nanay at walong menor de edad na dinala RASAC Covered Court. Pansamantala naman na manunuluyan sa Canonigo Covered Court ang siyam pa sa kanilang mga na-rescue. –PTG