Halos 500 taxpayers ang nakapagbayad ng kanilang mga business tax simula nang malagay ang syudad ng Maynila sa ilalim ng General Community Quarantine.

Ayon sa datos ng License Division, umabot ng 491 na ang na-asista ng pamahalaan pamula June 1 hanggang June 9.

Gayunpaman, mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot ng mask sa lahat ng oras pati na rin ang physical distancing sa nasabing ahensya.

Maaring magbayad ang mga taxpayers gamit ang website na www.cityofmanila.ph o di kaya naman sa GO MANILA APP.

Pupwede rin pong pumunta sa Business One Stop Shop (B.O.S.S.) office na matatagpuan sa ground floor ng Manila City Hall.

Muling pinapaalala ng pamunuan ng License Division na ang pagbabayad para sa 2nd quarter ng business tax ay extended hanggang June 30, 2020. — FMO