TINGNAN: Pormal nang binuksan at naturn-over ang ika-pitong quarantine facility sa P. Gomez Elementary School ngayong Miyerkules, ika-3 ng Hunyo bilang bahagi ng paghahanda ng Pamahalaang Lungsod sa mga pinaghihinalaang kaso ng COVID-19.

Ang pasilidad sa P. Gomez Elementary School ay may kapasidad para sa 41 na katao at naitayo sa tulong ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) at Manila Health Department (MHD).

Sa isang maikling seremonya, na pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, inilahad ng alkalde na patuloy ang pagpapatupad ng Pamahalaang Lungsod ng mga direktiba para sa mga nasasakupan nito.

“There are more preparations, actions and plans that the City Government will do to protect the interest of every Manileño. Walang mahirap, walang mayaman,” aniya.

Sa kasalukuyan, mayroon pang itinatayong apat na quarantine facilities: Tondo Quarantine Facility, Del Pilar Quarantine Facility, Patricia Quarantine Facility at Bacood Quarantine Facility.