Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang paglulungsad ng produksyon ng isang milyong libreng face masks sa Universidad de Manila kahapon, ika-15 ng Hunyo.

Kasama sa paglulunsad ng programang ito si Manila Chief Labor Employment Officer Fernan Bermejo.

Ininspeksyon nina Domagoso at Bermejo ang masusi at maingat na paggawa ng mga face masks sa tulong ng 50 mananahi at 10 master cutters.

Ang mga mananahi ay nakasuot ng mga gloves upang masiguro ang kalinisan ng mga face masks na ihahandog sa humigit kumulang 670,000 pamilyang Manilenyo.

Ayon kay Bermejo, layon ng Pamahalaang Lungsod na makabuo ng isang milyong face masks.

Layon din ng programang ito na mabigyan ng trabaho ang mga mananahi na nawalan ng trabaho dahil sa krisis dulot ng COVID-19. —JKG/JNL