TINGNAN: Inispeksyon ng mga kawani ng Market Administration Office ang mga timbangan sa iba’t ibang pamilihang bayan sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Market Administration Director Zenaida Mapoy, ito ay isinagawa upang masiguradong tama ang presyong ibinibigay sa mga bumibili.

Ang inspeksyon ng mga weighing scales ay ginawa sa Beata & Laura Streets sa Pandacan, pati na rin sa Baseco and Quinta Markets —FMO