TINGNAN: Ni-rescue ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ang mag-asawang parehong menor de edad at ang kanilang isang buwang gulang na sanggol mula sa kalye.

Batay sa ulat ng MDSW, parehong 14 na taong gulang ang mag-asawa na namamalagi sa kalye ng Batangas St. corner Abad Santos Avenue, Tondo, Manila.

Pansamantalang manunuluyan sa Fugoso Sports Complex ang pamilya habang tinitiyak pa ng MDSW kung maaari silang umuwi sa kanilang kamag-anak sa Quezon City. —PTG