TINGNAN: Ngayong araw, ika-1 ng Hunyo ay pormal nang nai-turn over ang Dapitan Quarantine Facility, sa pangunguna ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan.

Ito ang ika-anim na pasilidad na naitayo ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) upang tulungang maihiwalay ang mga pinaghihinalaang kaso ng COVID-19 sa publiko.

Sa kasalukuyan, mayroon pang itinatayong anim na karagdagang quarantine facilities sa Tondo Sports Complex, Del Pilar Elementary School, Patricia Sports Complex, P. Gomez Elementary School, San Andres Sports Complex at Bacood Elementary School.

Pinaalalahanan rin ng alkalde ang bawat Manileño na huwag ipagsawalang-bahala ang banta ng COVID-19 at patuloy na mag-ingat sa lahat ng oras.

“Walang magre-relax. Today is the first day na mukhang relax na ang lahat, huwag po. Huwag na huwag. Huwag ninyo kaming bulunan sa mga ganitong pasilidad,” aniya.