TINGNAN: Naihatid na ngayon Martes, ika-30 ng Hunyo, sa iba’t ibang pampublikong palengke ang mga handwashing stations upang magamit publiko.

Ayon kay Market Administration Office Director Zenaida Mapoy, nadala na sa Sta. Ana, Bambang, Quinta, Trabajo, Paco, Pritil, at San Andres market.

“Yung bigay na handwashing stations, as per our market masters, ay na-appreciate ng mga tao,” sabi ni Mapoy.

“At least we always have something new for the betterment of our service,” dagdag pa nito.

Ang binigay na mga handwashing stations ay donasyon galing sa Lion’s Club International Foundation para sa syudad ng Maynila.– FMO