TINGNAN: Pormal nang nai-turn over ang donasyong Negative Pressure Chamber at Mobile Isolation Unit mula Siam Cement Group (SCG) Foundation at Mariwasa Siam Ceramics Inc. sa Sta. Ana Hospital ngayong Martes, ika-2 ng Hunyo.

Pinangunahan ito ni Manila City Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at dinaluhan naman ni Thailand Ambassador Vasin Ruangprateepsaeng at ng Vice President ng Siam Ceramics Inc. na si Ms. Emelie B. Maramag.

Sa isang maikling seremonya, nagpasalamat ang bise alkalde sa suporta at donasyong makabagong kagamitan para sa ospital.

“The two innovative equipment, which was first implemented in Bangkok, Thailand—to which we say, thank you very much on behalf of our beloved Mayor and the entire City of Manila,” pasasalamat n’ya.