TINGNAN: Aspaltado na ang kahabaan ng Angel Linao sa tulong ng mga kawani ng Department of Engineering and Public Works (DEPW).

Matatandaan na binisita ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Paco area noong nakaraang linggo.

Ayon kay Domagoso, layon ng pamahalaang lungsod na ibalik ang mga kalsada sa mga Batang Maynila; kung kaya naman matapos ang 12 taon ay muli nang madadaan ang Angel Linao.

“The people of Paco deserves a clean environment. Walang bantot,” sabi nito sa kanyang live report.

“Hindi tayo matutulog hangga’t kaya natin. Hindi natin titigilan yan,” dagdag pa ni Domagoso.

Maliban sa pag-aaspalto, nagsagawa rin ng declogging at paglilinis ang mga kawani ng DEPW sa pangunguna ni City Engineer Armando Andres. — FMO