TINGNAN: Naglagay ng mga paalala ang mga kawani ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) sa loob at labas ng Manila City Hall upang labanan ang COVID19.

Ilan na rito ang mga blue markers upang paalalahan ang publiko maging ang mga empleyado ng pamahalaan na obserbahan ang physical distancing.

Naglagay rin ang DEPW ng signages sa bawat opisina, kasama na ang Office of the Mayor at Office of the Vice Mayor, na ugaliing magsuot ng face mask sa lahat ng oras.