Umabot na sa 127,297 ang kabuuang bilang ng relief packs at hygiene kits na nai-turn over ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa iba’t-ibang paaralan sa buong siyudad batay sa huling bilang kahapon, ika-8 ng Hunyo.

Kabilang sa 39,767 na inihatid kahapon ang 3,975 na hygiene kits at relief packs sa Vicente Lim ES; 4,197 sa Jose Rizal ES; 6,103 sa Ramon Magsaysay HS; 4,441 sa F. MA Guerrero ES; 4,324 sa Manuel M. Roxas HS; 3,202 sa Rafael Palma ES; 5,941 sa Andres Bonifacio ES; 3,837 sa Cayetano Arellano HS at; 3,747 sa Rajah Soliman HS.

Target ng Pamahalaang Lungsod na makapag-abot ng ayuda sa 275,000 na mag-aaral na nasa Kinder hanggang Grade 12 sa mga pampublikong paaralan sa Maynila. —PTG