IN PHOTOS: Nagsagawa ng disinfecting at misting operation ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa opisina ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Manila. Ito ay alinsunod sa inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod na gawing malinis at ligtas ang mga opisina ng gobyerno na madalas pinupuntahan ng mga tao.

Mahigpit din na ipinatutupad ng DILG-Manila ang physical distancing, pagsusuot ng face mask at iba pang panuntunan at gabay ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa paglaban sa COVID-19. –PTG