IN PHOTOS: Ginunita ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang ika-159 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Dr. Jose P. Rizal ngayong araw.

Pinangunahan nina Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, Manila City Vice Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan, at Manila Police District Director Brigadier General Rolando Miranda ang pag-alalay ng bulaklak sa bantayog ng ating pambansang bayani sa Rizal Park.

Nauna nang nagbigay ng direktiba sa Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) si Mayor Domagoso na gawing payak ngunit makabuluhan ang paggunita sa kapanganakan ni Dr. Jose Rizal dahil na rin sa krisis na kinakaharap ng ating bansa na dulot naman ng coronavirus disease. —PTG

(Photos by Christian Turingan/MPIO)