Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at House Speaker Alan Peter Cayetano ang pamamahagi ng Ramadan gift packs para sa Muslim communities ng lungsod.

Sa isang maikling panayam, tiniyak ni Cayetano na bibigyang prayoridad ng kongreso ang rehabilitasyon ng mga residente sa probinsya ng Marawi.

“Kami sa kongreso, we will continue coordinating with mayors and governors. Let me assure you, lalo na sa mga may kamag-anak sa Marawi, hindi po namin nakakalimutan ang rehabilitation, the only delay is caused by COVID-19, otherwise, there is no excuse,” ayon sa House Speaker.