TINGNAN: Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ngayong Martes, ika-26 ng Mayo ang pormal na pagbubukas ng quarantine facility sa T. Paez Integrated School.

Sa pangunguna ng Department of Engineering and Public Works (DEPW), naitayo ang pasilidad na may kabuuang kapasidad para sa 41 na pinaghihinalaang mga kaso ng coronavirus disease o COVID-19.