TINGNAN: Upang tiyakin ang kawastuhan ng mga timbangan sa bawat pamilihan, nag-ikot ang Weights and Measures Team ng Pamahalaang Lungsod upang kumpiskahin ang mga sirang timbangan ng iba’t-ibang tindahan ngayong Martes, ika-12 ng Mayo sa Bustillos, Earnshaw, Basilio, G. Fajardo, J. Marzan Street, Sampaloc, Maynila.