TINGNAN: Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, kasama ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ngayong Lunes, ika-11 ng Mayo ang donasyong 25 isolation tents mula kay Mr. Jojo Soliman.

Tinatayang may kabuuang kapasidad ang inflatable tents para sa humigit-kumulang 100 na katao at maaari itong gagamitin bilang quarantine facility para sa mga pinaghihinalaang kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod.

Binigyang-diin ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang layunin na maglaan ng maayos na mga pasilidad upang tulungang paigitingin ang kakayanan ng lungsod laban sa COVID-19.

“We will take care of the people, put them in a right place, hopefully, may awa ang Diyos, in preparation for the entire year,” aniya.

Ayon rin sa alkalde, bahagi ito ng paghahanda ng Pamahalaang Lungsod kabilang ng rapid mass testing.

“We test, isolate, quarantine then we take care of them if they turn positive,” aniya.