TINGNAN: Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Maynilla sa Chiang Kai Shek College Alumni Association sa kanilang donasyong 16,000 na sako ng bigas na naglalaman ng limang kilo kada sako para sa ika-1 Distrito.

Pinangunahan ni Chiang Kai Shek College Alumni Association President Benjamin Tan kasama nina Vice President Joyce Dy at Alex Sy at mga miyembro na sina Jojo Uyching, Johnny Go, Rivero Manabat, Tomas Medina, Patrick Ang, Dean Kyle Ang, Anabel Chua Lim, Racquel Chua, and Al-Patrick Zepeda ang pag-aabot ng tulong sa distrito.

Tinanggap ito nina Congressman Manny Lopez at Konsehal Peter Ong, Moises Lim, Ian Nieva, Irma Alfonso, Jesus Fajardo at Ernesto Dionisio.