TINGNAN: Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang ikalawang distribusyon ng City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF) para sa ika-1, ika-2 at ika-3 Distrito ngayong Miyerkules, ika-20 ng Mayo.

Layunin ng ikalawang CACAF na patuloy na matulungang maibsan ang hirap ng krisis na dulot ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng P1,000 sa bawat pamilyang Manileño.

Pinaalalahan rin ng alkalde ang bawat kawani ng Pamahalaang Lungsod na ipagpatuloy ang paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan, lalo na sa panahon ng krisis.

“I hope you continue to do your share, do your part. Lahat tayo may pananagutan dahil ‘yan ay pera ng taumbayan,” ani Domagoso.