TINGNAN: Isinara ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang isang barbershop sa Pedro Gil St. noong Sabado, ika-16 ng Mayo dahil sa paglabag sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) guidelines.

Ayon sa MECQ guidelines ng pamahalaang nasyonal, hindi maaaring magbukas ang ilan sa mga establisyimento na nasa ilalim ng Category III, tulad ng barbershop at mga salon.