MAHALAGANG PAALALA: Ang Barangay 847, Zone 92 ng ika-6 na Distrito ay ipasasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) Hard Lockdown simula bukas, Lunes, ika-1 ng Hunyo mula 12:00 AM hanggang Martes, ika-2 ng Hunyo, 11:59 PM.

Alinsunod ito sa direktiba ng Pamahalaang Lungsod upang maagapan ang posibleng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa lugar.