TINGNAN: Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pormal na paglulunsad ng itinayong 40-bed capacity quarantine facility para sa mga pinaghihinalaang kaso ng COVID-19 sa lungsod sa tulong ng Junior Chamber International (JCI) Manila ngayong Huwebes, ika-14 ng Mayo.

Malugod na nagpasalamat si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa malasakit at tulong ng JCI sa lungsod at sa mga bagong direktiba nito upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa publiko.

“I can honestly say na ‘yung ginawa ninyo ay napakahalaga sa approach at plan in the coming weeks ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila. Napagaan ang trabaho namin sapagkat ito ay naging modelo, itong disenyong ito ay maaaring makopya natin sa iba pang pasilidad,” ani ng alkalde.

Kabilang rin sa mga dumalo ay sina Manila City Vice Mayor Ma. Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, JCI National President Mark Joseph David, Executive Vice President Chris Liao, Executive Treasurer Michael Gan, JCI Manila President John Bautista, Director Jan Padiernos at Kendrick Sy at ang Schools Division Superintendent na si Dr. Maria Magdalena Lim.