TINGNAN: Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang ikalawang distribusyon ng City Amelioration Crisis Assitance Fund (CACAF) ngayong araw para sa ika-4, ika-5 at ka-6 na Distrito.

Ang CACAF ay isang programa ng Manila City government para magbahagi ng pinansyal na ayuda para sa mga pamilyang Manileño na apektado ng krisis dulot ng COVID-19 outbreak.