Lubos na nagpapasalamat ang mga kawani at frontliners ng Sta. Ana Hospital sa donasyong airconditioned triage tent ng United Nations Population Fund Philippines sa pakikipagtulungan sa Australian Aid.

Isasagawa ang Turn-over Ceremony bukas, Biyernes, ika-3 ng Abril kasama ang Country Representative ng UNPFA na si Mr. Iori Kato.

Ang triage tent ay maaaring magsilbing emergency medical facility para sa mga kaso ng coronavirus disease o COVID-19.