Naglagay ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng sanitation tent sa Dialysis Building ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center upang maiwasan ng mga pasyente ang paglaganap ng COVID-19.

Nagpasalamat naman si GABMMC Director Dr. Ted Martin sa tulong na dulot nito sa mga pasyente at medical workers ng ospital.