Sa gitna ng banta ng COVID-19 sa lungsod, patuloy ang pagtugon ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa panawagan ng Pamahalaang Lungsod na akapin ang bawat Manileño, kabilang ang mga nasa lansangan.

Umikot ang mga kawani ng MDSW ngayong Lunes, ika-6 ng Abril sa Avenida, Lawton at Taft Avenue upang magsagip ng mga street dwellers at pansamantala silang dalhin sa Reception Action Center o RAC.