Kinumpiska ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB) ang 655 piraso ng Ma Ling, isang produktong processed meat mula China, sa isang mini-grocery sa Masinop St., Tondo, Maynila.

Noong nakaraang taon, ipinagbawal ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang importasyon at distribusyon sa mga produkto mula China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine dahil sa banta ng African Swine Flu at iba pang mga sakit.

Sa pangunguna ni VIB Officer-in-charge Dr. Nicanor Santos Jr., naglunsad ng operasyon ang VIB Enforcement Squad ngayong Lunes, ika-13 ng Abril.

Alinsunod ito sa Food Safety Act 10611, Memo Order no. 6 s. 2019 o “Temporary Ban on Importation of Processed Meat from Countries Infected with African Swine Flu, Avian Influenza and Foot and Mouth Disease.”