TINGNAN: Tuloy-tuloy ang localized targeted mass testing operations dito sa General Licerio Geronimo Elementary School habang ipinatutupad ang 48-hour hard lockdown sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa direktor ng Ospital ng Sampaloc na si Dr. Aileen Lacsamana, magsisilbing mass testing facility ang Geronimo Elementary School sa kabuuan ng hard lockdown.

Ang targeted mass testing ay patuloy na naisasagawa sa pakikipagtulungan sa Project Ark, GO NEGOSYO, Office of the Presidential Adviser for Entrepreneurship, Pamahalaang Lungsod ng Maynila, Manila Health Department, mga Punong Barangay ng Distrito 4, Department of Education, Gen. Licerio Geronimo Elementary School at sa Department of Health.