Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ngayong Sabado, ika-18 ng Abril ang 9,000 na donasyong food packs mula sa Resorts World Philippines Cultural Heritage Foundation Inc. (RWPCHFI) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Nakatakda pang mamahagi ng karagdagang 6,000 na food packs ang RWPCHFI at PAGCOR para sa kabuuan na 15,000 na ayuda para sa lungsod.