TINGNAN: Malugod na tinanggap ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), sa pamamahala ni Director Re Fugoso, ang mga donasyon mula kina Senator Bong Revilla at Bacoor, Cavite Mayor Lani Revilla para sa mga biktima ng sunog sa lungsod sa mga nagdaang araw.

Ang kanilang donasyon ay naglalaman ng 1,200 relief goods para sa mga biktima ng sunog sa Tondo, 300 pares ng tsinelas para sa mga batang biktima ng sunog sa Binondo, at 70 uratex foam.