MALASAKIT SA KAPWA: Nag-abot ng tulong donasyon na 100 sako ng bigas (50kg/sako) ang Department of Assessment (DA) ng Maynila, sa pangunguna ni Atty. Marlon Lacson.

Ito ay bilang tugon sa panawagan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na magtulungan ang bawat Manileño sa panahon ng krisis at pandemya.

Ang mga sako ng bigas ay ire-repack at ipapadala sa mga barangay bilang ayuda sa mga pamilyang Manileño na apektado ng enhanced community quarantine dulot ng coronavirus disease o COVID-19.