TINGNAN: Buong pusong tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang donasyong humigit-kumulang 1,300 na sako ng bigas mula sa Chiang Kai Shek College Alumni Association, Inc. para sa 123 na mga barangay at sa Manila North Cemetery ng ika-3 Distrito.

Personal na ipinaabot ni Chiang Kai Shek Pres. Benjamin Tan ang tulong kina Congressman Yul Servo, Majority Floor Leader Joel Chua Konsehal Fa Fugoso, Apple Nieto, Tol Zarcal at Terrence Alibarbar.