Naghandog ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ngayong Sabado, ika-21 ng Marso ng ayudang isang sakong bigas (25 kg) para sa mga kasaping drayber ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) at Pangkalahatang Sangguinang Manila and Suburbs Driver’s Association (PASANG MASDA).

Matatandaang sinuspinde ng pamahalaan ang lahat ng pampublikong transportasyon sa buong Luzon sa gitna ng ipinapatupad na ‘Enhanced Community Quarantine’ sa rehiyon.

Sa tulong ng Manila Parking and Traffic Bureau (MTPB), ipinimahagi ang mga sako ng bigas sa mismong tahanan ng mga drayber.