Ayon kay Manila Youth Bureau chief Alex Layos, nag-iikot ang mga opisyales ng SK sa iba’t ibang distrito ng lungsod para kunin ang temperature ng kanilang mga nasasakupan na kabataan.

Namahagi rin sila ng sabon, rubbing alcohol at mga paalala para mahikayat silang mag-disinfect laban sa COVID-19.