Mayor Isko Moreno Domagoso: Nakipagpulong po tayo kasama si Vice Mayor Honey Lacuna sa Manila Command Conference at Manila Disaster Risk Reduction Management Council Meeting.

Ang ating agenda: paghahanda laban sa coronavirus disease.

Dito po, inatasan natin si City Budget Officer Atty. Grace Chua na i-prioritize ang pag-acquire ng mga nararapat na kagamitan ng mga ospital kontra coronavirus para sa publiko.

Inatasan din natin ang Liga ng mga Barangay na tawaging pansin ang lahat ng barangay chairman na ipagpatuloy ang information dissemination tungkol sa COVID-19, ayon na rin sa DOH protocols.

Sinabihan din po natin si Manila Department of Social Welfare head Re Fugoso na mag pack ng 350,000 na pagkain na maaaring ipamigay sa 350,000 pamilya. Ito po ay dapat magtagal ng apat na araw, kasama na ang kanilang maiinom na tubig.

Makakaasa po kayo na patuloy po ang paghahanda at aksyon ng inyong lokal na pamahalaan laban sa coronavirus disease.