Kasalukuyang isinasagawa ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) ang paglalagay ng 34 WiFi hotspot terminals sa lungsod na kawangis ng mga makikita sa Manhattan, New York.

Ang mga WiFi hotspot terminal ay nakaplanong ilagay sa kahabaan ng España at paikot sa buong University Belt para sa kapakinabangan ng mga estudyante.

Binisita ito noong Miyerkules, ika-4 ng Marso ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at DEPW Department Head Engineer Armand Andres.

Bahagi ito ng patuloy na layunin ng Pamahaalang Lungsod na gawing “Center of Convenience” at isang “Smart City” ang Lungsod ng Maynila.