Magsisilbing pansamantalang tirahan ng mga frontliners at healthcare workers ang ilang mga hotels sa Lungsod ng Maynila sa gitna ng “enhanced community quarantine” na ipinatupad sa buong Luzon.

Pinirmahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Executive Order no. 17 na naglalayong tulungan ang mga empleyadong nagtratrabaho sa lungsod na apektado ng pagsuspinde ng pampublikong transportasyon sa buong rehiyon.

Ayon sa EO no. 17, maaaring mamalagi ang mga frontliners at healthcare workers na nagtratrabaho sa mga district at national government hospitals sa Maynila sa Hotel Sogo (421 rooms), Eurotel (50 rooms) at Town and Country Hotel (60 rooms).