TULOY-TULOY NA MISTING OPERATIONS SA LUNGSOD: Inikot ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ngayong Miyerkules, ika-11 ng Marso ang mga pampublikong pamilihan sa Maynila upang magsagawa ng misting operations kontra sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Kabilang sa dinaanan ng misting trucks ay ang Plaza Miranda pati na rin ang Divisoria, Wagas, Arranque, Bambang, Central, Trabajo, Paco, Dagonoy, at Quinta Market.