Nagsagawa ng misting operations ngayong Martes, ika-10 ng Marso ang Manila Disaster Risk and Reduction Office (MDRRMO) sa mga district hospitals ng Maynila upang maiwasan ang paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod.

Kabilang sa dinaanan ng misting trucks ay ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, kahabaan ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila at Justice Jose Abad Santos General Hospital.