Malugod na pinaunlakan ng Pamahaalang Lungsod ng Maynila noong Miyerkules, ika-4 ng Marso, ang mga hukom sa kanilang 25th Annual Convention and Seminar on Empowering Women Judges in the Cyber Age na ginanap sa Manila Hotel.

Hinikayat ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga mamamayan na maniwala sa sistema ng ating hudikatura, lalo na sa pagsugpo ng krimen.

“Ayokong pamahayan ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng mga wanted, wanted sa husgado,” aniya.

Kasabay nito, nakiusap din ang alkalde sa mga hukom na magkaroon ng disiplina sa kani-kanilang opisina at tumulong na makamit ang malinis, maaliwalas at panatag na Lungsod ng Maynila.