BAGONG MAYNILA: Ang pampublikong pamilihan ng Paco ay kasalukuyang nasa ilalim ng modernong konstruksyon tungo sa adhikaing magkaroon ang mga mamamayan ng malinis, disente at maaliwas na pamilihan.

Binisita ito ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at ni Engineer Armand Andres ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) noong Miyerkules, ika-4 ng Marso upang makilatis ang kalidad ng mga natapos na parte ng pamilihan gayundin ang mga bahagi ng gusali na sisimulan pa lang.

“Maganda, walang maaagrabyado. I’m happy, magkakaroon na ng kapanatagan ang mga tao lalo na’t may CCTV,” ani Domagoso.